Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LizQuen kumatok kay Marcoleta

0 565

NI: ROLDAN CASTRO

Type makilala nina Enrique Gil at Liza Soberano ang kongresista ng Sagip Party-List Rep. Rodante Marcoleta at ang asawa nito.

Isiniwalat ni Marcoleta na LizQuen fan ang misis niya.

“Hello po, magandang araw po sa inyo Congressman. Gusto lang po namin magpasalamat sa inyo ni Mrs. Marcoleta for supporting and watching ‘Make It With You,” bungad ni Enrique sa video na ipinost sa ni Ogie Diaz sa Facebook.

“Cute na cute po kami ni Quen sa ikinuwento niyo pong journey n’yo na sinasamahan n’yo lagi siya at sinusuportahan n’yo po siya sa panonood ng ‘Make It With You.’ We would really love to meet you, especially Mrs. Marcoleta soon,” sambit naman ni Liza.

Nakiusap din ng LizQuen kay Marcoleta na sana ay mabigyan ng pagkakataon na mabigyan ulit ng franchise ang ABS-CBN 2.

“Gusto lang po naming kumatok sa puso n’yo na baka sakaling mabigyan n’yo ng chance ang ABS-CBN,” hirit ni Soberano.

“Sa lahat po ng mga congressmen who think that ABS-CBN deserves a chance, maraming, maraming salamat po sa inyo,”dagdag naman ni Quen.

Inaasahan ang desisyon ng kongreso ngayong Linggo para sa franchise renewal ng ABS-CBN. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.