Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LizQuen mabubuwag na

0 468

Dahil napabalitang nasa Amerika si Liza Soberano to pursue her Hollywood dream, maraming espekulasyon ang nagsipaglabasan mula sa mga Marites.

Hirit ng mga nagmamahadera, mabubuwag na raw ang loveteam ng LizQuen .

For more than two years kasi, halos inactive rin ang magdyowa dahil wala silang nagawang project together.

May ilang nagmamalditang dudoso kung matutuloy pa ang proyektong gagawin nila sa ABS-CBN lalo pa’t hindi pa rin sigurado kung mare-renew ang prangkisa ng Kapamilya network under the new administration.

Sey naman ng ilang kibitzers, it’s about time naman na mag-explore sina Liza at ang boyfie nitong si Enrique na gumawa ng mga proyektong iba ang ka-partner or better else magsolo na lang para na rin sa growth nila.

May mga nagsasabi kasing disadvantage rin na parang committed lang sila sa kanilang loveteam.

Nasa edad na rin naman sila at hindi na puwede sa mga patweetums na roles.

Hirit pa nila, what may work for KathNiel may not necessarily work for LizQuen.

Malay mo, blessing in disguise nga naman na kung magkanya-kanya sila. Mas mabigyan sila ng matitinding projects, mas mapansin ang galing sa pag-arte o magka-award at make them shine on their own.

Meanwhile,as a showbiz couple, click naman sila as business partners.

Leave A Reply

Your email address will not be published.