Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LizQuen nag-trip sa paraiso

0 321

Kasalukuyan pa ring nasa isang beach sa Siargao ang showbiz couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano . Nag-celebrate sila ng ika-23 kaarawan ng aktres last January 4.

Ang nasabing bakasyon ang first travel ng LizQuen for this year kung saan ay kasama rin nila ang sister ni Quen at ilang mga kaibigan.

Makikita sa mga IG posts nina Liza and Queen ang kanilang page-enjoy sa kanilang bakasyon.

Sa isang post ni Liza ay makikitang nasa swing sila ni Quen and his sister sa beach. Caption ng aktres, “to escape and sit quietly on the beach – that’s my idea of paradise. – Emilia Wickstead.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

May mga kumalat ding videos and photos ng dalawa na kuha ng mga fans nila sa beach. Kwento nga ng isang fan, pinagkaguluhan daw si Liza dahil sa pagsusuot ng bikini.

Sa isang video na napanood namin ay tuwang-tuwa sina Liza and Quen sa paglabas ng rainbow sa beach. Makikita rin sa video na nagkakatuwaan ang buong grupo habang naliligo sa dagat.

Mukhang sinusulit talaga ng LizQuen ang bakasyon dahil balitang early this year ay sasabak na sila sa trabaho.

Inaabangan ng kanilang fans ang isang teleserye at isang pelikula na nakaplano this ywear sa magka-loveteam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.