Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LizQuen paghihiwalayin

0 351

Pinag-usapan noon ang ginawang pagta-tag ng guwapong Thai actor na si Luke Plowden kay Liza Soberano kung saan sinabi nitong maraming nagsasabing kamukha raw siya ng aktres at siya ang “male version” nito.

For a while, nagkomento ang mga faney na nagsabing papansin daw ang banyagang actor kay Liza.

Nalaman din na hindi lang pala si Luke ang follower ni Liza sa kanyang Instagram account kungdi ang Thai heartthrob na si Vacharirawit Chivaaree o “Bright”.Nakikila siya sa Thai BL TV series “2gether: The Series” na katambal si Metawin “Win”Opas-Iamkajorn.

Sa kaso naman ng manager ni Liza na si Ogie Diaz, ibinunyag niya na noon pa may proyektong niluluto ang ABS-CBN para kina Liza at Bright.

Katunayan, na-excite raw siya nang malaman ang nasabing proyekto pero ayaw daw niya itong ianunsyo dahil ayaw niyang ma-preempt ang Kapamilya network.

Wala rin daw siyang ideya kung movie raw ba o series ang pagsasamahan ng dalawa kung sakali.

Sa naging anunsyong ito ng talent manager, marami ang nagsabing hudyat na ito ng paghihiwalay ng isa sa pinaka-popular love teams sa bansa.

Ayon naman kay Ogie na tumutulong din sa career ni Enrique Gil, malamang na magpahinga raw muna ang nasabing love team.

Malamang na ipareha raw muna si Quen sa ibang girl for a change.

May mga nang-uurot naman, kung maging successful daw ang team-up ni Liza with other leading men like Bright, ano na raw ang mangyayari sa karera ni Quen?

Tanggapin din kaya ito ng madla without Liza at mapatunayan nitong kaya niyang magsolo… that he has more to offer than his pretty boy looks?

@@@

Jake ‘laos’ agad

Nang mapanood noon si Jake Ejercito sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang ka-love triangle ng AlDub, marami ang na-excite sa kanyang presensiya.

After all, isa siyang showbiz royalty dahil produkto siya ng isa sa pinaka-influential clan sa showbusiness.

Pinag-usapan din ang first acting stint niya sa TAPE, Inc.na nasundan pa ng dalawang Lenten specials.

Pero, somewhere along the way, hindi nagtuloy-tuloy ang pag-imbulog ng kanyang estrella.

Sey ng mga basher, palaos daw agad si Jake.

Para kasi sa ilang observers, bantulot pa rin siya kung seryosohin ba talaga niya ang kanyang karera bilang artista.

Last year, naging opisyal na miyembro pa siya ng Star Magic pero may mga nagsabing tila nabantilawan na ang kanyang karera.

Walang nangyari sa kanyang pagpapatali sa Star Magic dahil pumutok ang pandemya.

Nabalitaan na lang na join na siya sa Sunday Noontime Live with Piolo Pascual, Maja Salvador at Catriona Gray na eventually ay hindi nagtagal dahil natigbak sa ere.

First exposure din niya sa isang full length movie ang kanyang MMFF entry na hindi rin masyadong napag-usapan.

Ngayon naman, kinaaliwan ng mga netizen ang kanyang Tiktik video kasama ang kanyang anak na si Ellie kay Andi Eigenmann.

Sey ng mga netizen, siguro raw it’s about time for Jake to reinvent himself para umingay ang kanyang karera.

@@@

Ellie mana sa ina

Pagkatapos na mag-viral ng Tiktok videos ni Ellie Eigenmann kasama ang kanyang dalawang daddy, with Jake, her biological dad and Philmar Alipayo, her stepdad, marami ang nagsasabing malaki ang potensyal nitong sumunod sa yapak ng ina.

This early, nakikita ang kanyang showbiz inclination dahil alam niya kung paano maghatid ng aliw sa masa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.