Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LizQuen walang ‘sawa factor’

0 64

Anim na taon nang magdyowa sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Para sa kanila, maituturing nilang milestone sa kanilang relationship ang tumagal ng six years.

Habang lumalaon kasi, mas marami pa silang natutuklasan sa isa’t-isa.

Anila, patuloy na tumatatag ang kanilang relasyon dahil sa respeto nila sa bawat isa.

“I guess we just have so much respect for each other,” ani Liza. “He likes being with me. He likes being with his family. I am the same way. I don’t like being alone and I really enjoy his company,” dugtong niya.

Aminado naman si Liza na tulad ng sinumang showbiz couples, hindi maiiwasan na nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan na para sa kanila ay normal lang.

Gayunpaman, hindi raw nila pinalilipas ang isang araw na hindi nila naaayos ang kanilang problema.

Ito raw ang sikreto kaya nagtatagal ang kanilang relasyon.

“We make it a point na ayusin siya. Kung may away kami, he won’t let me go away or go to bed without fixing it,” kuwento niya.

Dahil kulang na isang dekada silang magkasama, hindi raw silang dumating sa puntong nagsawa sa isa’t-isa.

“Marami pa kaming nadidiskubre sa isa’t-isa, so nagkakaroon pa rin kami ng adjustments. And that, I think, makes the relationship more exciting,”esplika niya.

@@@

Vice kinabog ni Iyah

Makasaysayan para kay Iyah Mina ang kanyang pagkapanalo noon ng best actress sa pelikulang Mamu and A Mother Too para sa 2018 Cinemaone Originals.

Kontrobersyal din ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon, isang trans ang nagwaging best actress sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Dahil sa pagkapanalo ni Iyah, maraming kibitzers ang nagsasabing kinabog na ng bida ng “Ayuda Babes” ang It’s Showtime host.

Napansin na rin kasi ng Urian ang acting ni Iyah pero never pang naging nominado sa nasabing award-giving body ang komedyante.

Pero, para naman kay Iyah, walang kumpetisyon sa kanila ni Vice.

“Sobrang proud nga niya sa akin noong nanalo ako ng award. Actually, malaking bagay si Meme Vice sa career ko,” aniya.

Katunayan, itinuturing niya si Vice na isa sa mga padrino niya sa showbiz.

“Hindi lang naman sa akin, marami siyang binigyan ng chance kahit iyong mga dati niyang kasamahan niya, nagkaroon ng break dahil sa kanya,”kuwento pa niya.

Hindi rin ikinaila ni Iyah na nagpositibo siya noon sa COVID-19.

Hindi raw niya ito ipinaalam sa kanyang mga magulang na nasa probinsya dahil natakot daw siyang mag-alala pa ang mga ito sa kanyang kalagayan.

Hindi rin niya makakalimutan na isa si Vice sa hindi nagkait ng tulong sa kanya sa panahon ng pandemya.

“Kilala niya ako na hindi ako iyong tipo na humihingi pero kusang-loob siya nagbigay ng tulong kaya mahal na mahal ko siya,”pahayag ni Iyah.

Happy din si Iyah sa masayang lovelife ni Vice sa piling ni Ion Perez.

Tulad ni Vice, may nagpapasaya rin daw sa kanya kaya lagi siyang inspiradong magtrabaho.

@@@

Gardo sumaklolo sa Seiko produ

Sa pagti-TikTok, nabigyan ng bagong sigla ang karera ni Gardo Versoza bilang TikTok Tito.

Ultimong ang dating producer daw niyang si Robbie Tan ng Seiko Films ay tinulungan niyang mai-promote ang produkto nitong wallet thru TikTok.

Bagamat nag-lie low siya ngayon, itutuloy pa rin niya ang pagti-Tiktok may pandemya man o wala.

Si Gardo ay isa sa mga bida ng “Ayuda Babes” na idinirek ni Joven Tan.Prodyus ng Saranggola Media Productions.

Kasama rin sa pelikula sina Iyah Mina, Ate Gay, Joey Paras, Juliana Parescova Segovia, Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Berni Batin, Christi Fider, Zeus Collins at Bidaman Dan Delgado. May espesyal na partisipasyon din sina Marlo Mortel at Marc Logan.

Mapapanood na ang napapanahong obrang ito sa iWant TFC simula sa Marso 5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.