Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LizQuen ‘winarat’ ni James

0 111

Kahit pa nga madiin ang pagtanggi na may ‘kulay’ ang relasyon nina Liza Soberano at James Reid, iniintriga ng karamihan na yes oh yes, mas mahigit pa umano sa propesyonal ang pinagsasaluhan nilang dalawa.

Si Reid ang manager sa kasalukuyan ni Soberano. Ang binigay na dahilan sa kanyang pamunuan in pursuit of her Hollywood dreams kaya she decided to let go at hindi mag-renew sa kanyang kontratang tapos nitong huling araw ng Mayo.

Maliban diyan, ang dating higanteng network na kahit sangrekwa ang offers at pitching kay Liza, wala na pala talagang itong contract sa ABS-CBN at sa Star Magic at Star Cinema.

Ngayon all projects na dapat i-pitch, endorsements at kung ano-ano pa, sa team Reid na dadaan ang pitching at proposals.

Ibig bang sabihin nito, ang “It’s Okay Not To Be Okay” na project dapat ang Filipino remake ay kina Soberano at Enrique Gil ay on hold ang estado or frozen delight na ito?O, ito ba ang ang magiging unang proyekto nina Liza at Reid sa Pinas?

Nag-dinner pala sina Quen at Liza bago tumulak papuntang Espanya ang binata. Sa hapunan date na ito, sa kanyang kasintahan ang kaniyang desisyon tungkol sa non-renewal niya sa kanyang dating pamunuan, ipinaalam ba niya kay Quen? Ano ang naging reaksyon ni Gil dito? At huling hapunan na ba nila ito bilang magkatambal o maski sa totoong buhay? Puwede ba nating gawing konklusyon na si James, winarat ang LizQuen?

Gaano ba ka-pangmalakasan ang clout ni Reid at ng kanyang team sa entertainment capital of the world para maisakatuparan nila ang Hollywood aspirations nina Liza, James? Looks wise, hindi pambihira ang ganda at kisig ng dalawa respectively sa prevailing what makes a star in Hollywood standard. At ‘yung talents nila pagdating sa pag-arte, sayaw at pagkanta, sapat ba ito ito to get doors open sa premium Hollywood film and TV projects?

Ang sarap usisain kung anong career path ang inilatag ni Reid sa the girl whose face can launch a thousand ships kaya tinapos nito ang 11-taong kasunduan sa kanyang pamunuan?

Ang diva that you love, nanalig na for Liza to jump on to James’s stewardship is a big risk and gamble and why Liza is willing to face, alam na alam na “Sabel, this must be love!” ang tunay na dahilan.

SM food to go Banner Ad

Ang duda ng mga dudusa at katkatera , I second the motion kasi nga, ang babae, pag nagde-desis, lalo na nga’t karera niya ang at stake, hindi iyan padalos-dalos. Siguradong kasama ang tinitibok ng puso ni Soberano sa equation kaysa siya may kumpiyansa at lakas ng loob na gawin ang isang bagay.

Kaya Liza Soberano, good luck at congratulations sa iyong bagong role bilang talent ni James Reid . Malaking-malaki ang posibilidad na kayong dalawa ay not just in a professional relasyon.

Adrianna pinagdudahang ‘bisexual’

Ang diva that you love, naulanigan ang usapan ng dalawang katoto tungkol sa “PaThirsty” lead star Adrianna So.

Sa kanilang panayam sa dalagang si Pearl Gatdula ang katauhan sa pelikula, na siya ring resident babaing hitad sa “Gameboys” universe, naurirat ng mga katoto kong manunulat ang ang usapin tungkol sa sexual orientation nito at diumano, umamin itong “bisexual”.

Ang pagiging bisexual ay atraksyong romatiko at sekswal ng isang nilalang sa kapwa niyang gender assignment maging sa kaniyang opposite sex. Puwede siya sa babae, pwede rin sa lalaki .Sabi nga ng mga diwata’t sirena, more chances of winning ka on a Saturday night dahil pang boy at girl ka, huh!

Nagugulumihanan kasi ang mga katoto ko kung tama ba ang kanilang narinig na pag-amin o nagiging naughty, playful at nagpapayanig lamang si Bb. So. Hirap silang mapagtanto ko kung for real nga ba talaga ang hanash nito.Pinagdudahan talaga nila ang tsikang ito.

Mas lalong hindi sure ang diva that you love kung ano nga ang sexual orientation ni Adrianna ?Kung ano man talaga ang kanyang sexual expression and what makes her truly happy and orgasmic, kaya na niya iyan. At millennial times na, to each his or her own na talaga dapat ang maging reaksyon sa sexual orietation at preferences ng mga mga tao na nagmamaganda in this crazy planet of ours.

Leave A Reply

Your email address will not be published.