Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lizzy hinatulan ng 1 taon kulong

0 127

Isang taong pagkabilanggo ang hatol ng South Korean court kay Park Soo Young o Lizzy.

Ang dahilan, ang pagda-drive nito sa ilalim ng influence ng alcohol o DUI. Naglabas na si Lizzy ng kanyang public apology sa kanyang Instagram account kamakailan lang, pero, siyempre, sa law, mukhang kailangan talagang pagdaanan ng actress ang consequence.

Noong September 27 ginanap ang first hearing ng kanyang DUI case sa Seoul Central District Court.

Dininig dito ang naging kaso ni Lizzy na nabangga niya ang isang taxi sa Cheongdam, Seoul, Gangnam District noong May 18 ng taong ito. Nalaman na ang blood alcohol level niya that time ay over 0.08 percent, which is enough to have her driver’s license revoked.

Noong July 1, may legal sources na nag-report na sa seventh criminal division ng Seoul Central District Prosecutors’ Office, na-indict na si Lizzy without detention on the charges of dangerous driving under the Additional Punishment Law on Specific Crimes and violating the Road Traffic Act by driving under the influence of alcohol.

At sa first hearing, ang charge nga sa kanya ay 1 year in prison dahil sa pagda-drive niya na may blood alcohol level of 0.197% na nag-result sa isang aksidente.

Inamin naman niya na mali ang ginawa niya at nangakong hindi na ito uulitin. Aniya, “I promise not to do anything disgraceful again.”

Si Park Soo Young o Lizzy ay dating miyembro ng all-girl group na “After School.” At since 2018 pa lamang ito nagpo-promote as a solo star.

Leave A Reply

Your email address will not be published.