Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LJ keber na kay Paolo

0 116

Matapos ang controversial break-up kay Paolo Contis at ang emosyonal na panayam kay Boy Abunda, paunti-unti ay sinisikap nang bumangong muli ni LJ Reyes . As we all know ay kasalukuyang nasa US ngayon kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer.

Sunod-sunod ang mga GV (good vibes) post ni LJ lately sa kanyang Instagram page .Parang sinasabi niyang unti-unti na nga siyang nagmu-move-on at keber na kay Paolo.

Sinimulan niya ito sa pagdalo sa New York Fashion Week noong nakaraang linggo.

Sa kanyang recent Instagram Story ay nagbigay ulit ng panibagong update ang aktres kung saan ay makikitang nagwo-work-out sila ni Summer na anak nila ni Paolo.

“Yung antok ka pa pero adik ‘yung kasama mo magworkout! Pero game na game ka naman. – Summer…” caption ni LJ.

Saad pa niya, “and we’re back to regular programming” na may laughing face emojis pa.

Kamakailan lang sa madamdamin niyang panayam kay Kuya Boy ay sinabi ni LJ na hindi raw niya alam kung paano makakabangong muli sa hiwalayan nila ni Paolo.

Ngayong nagsisimula na siyang mag-move-on, all praises ang netizens kay LJ. Nagpahayag din ng pagsuporta ang mga kaibigan niya sa bagong kabanata ng kanyang buhay na ito.

“Pwede pumalakpak ng todo… slow clap.. para sa isa sa pinakamalakas na babae na kilala ko!” ang komento ni Chynna Ortaleza.

“Love it mars!!❤️❤️❤️ proud of youuuuuu 🔥🔥 keep shining!!!” sey naman ni Camille Pratts.

“Power of Woman who knew her worth! Pls keep safe always Ms. LJ!” sabi naman ng isang netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.