Abante Tonite Interactive

LJ nagalingan kay Paolo

382
tonite-pak-allan-diones

May karapatang maging super-proud girlfriend si LJ Reyes dahil talaga namang mahusay si Paolo Contis sa pelikulang “Through Night and Day”.
Napanood namin ang movie sa pa-block screening ni LJ for their family and friends sa Director’s Club Cinema sa Megamall at pinaiyak kami ni Paolo, na ang galing mag-drama at lea­ding man na leading man sa pelikulang kinunan sa Iceland.
Actually, medyo irita kami sa karakter dito ni Alessandra de Rossi na si Jen, pero si Paolo bilang Ben ay very sympathetic kaya ang lakas niyang magpaiyak.
Laugh kami sa mga punchline at pilyong hirit ni Pao, pero ‘pag seryosong dramahan na ay ramdam na ramdam namin siya. At kumanta pa siya sa movie, na ang ganda ng boses niya, in fairness.
Sey ni LJ nang makausap namin after the block screening, sobrang proud siya dahil hindi madalas mabigyan ng ganitong project si Pao.
Aniya, Asian TV Awards Best Actor si Paolo sa isang episode ng “MMK” before, kaya naman ‘pag umarte ito sa drama ay tagos sa puso.
Nagkatrabaho na pala sila sa isang episode ng “Wagas” sa GMA, pero bitin daw ‘yon.
Nang tanungin namin kung gusto rin niyang makapareha si Pao sa pelikula, ang sagot ni LJ ay sa totoo lang, dati ay ayaw niya raw na makatrabaho kung sinong dyowa niya.
Bongga ‘yung linya sa amin ni LJ na, “Siguro, wala lang talagang kasinggaling niya,” na ang tinutukoy ay ‘yung mga naging karelasyon niya in the past.
Sorry daw at nadulas siya, pero totoo naman daw kasi na si Paolo ang pinakamagaling sa mga ito kaya kay Pao lang siya na-excite na makasama sa pelikula. Paninindigan niya raw ang opinyon niya na ‘yon.
Si Paolo ay masaya na panay positive ang feedback sa movie at sa mga review ay pinupuri ang performance niya. Natuwa raw si Pao na nakita ‘yung hard work nila at si Ben ang nakita sa big screen at hindi si Paolo.
Ang reaksyon niya sa sinabi ni LJ na sa mga ex nito ay siya ang pinakamaga­ling ay “Oo naman!” sabay tawa. Kaya hindi niya raw masisisi si LJ na gusto siyang makasama sa pelikula.
Ang daming nagsasabi na posibleng ma-nominate o magka-award dito si Pao, pero nagulat daw siya roon dahil habang shooting ay hindi niya iniisip ‘yon. Thankful siya na napansin ang akting niya.
Sey ni Pao, feeling niya ay nagulat ang mga tao dahil lagi siyang kontrabida o kaya ay nagpapatawa. Pero sa lahat naman daw ng trabaho niya, kahit “Bubble Gang” pa ‘yon ay lagi niyang ginagawa nang tama.
Very positive ang word of mouth ng “Through Night and Day” kaya sana ay marami pang manood nito at magtagal pa ito sa mga sinehan.

Piolo matitikman ni Regine

Si Piolo Pascual ang makaka-share ng stage ni Regine Velasquez-Alcasid sa unang gabi ng concert series ni Songbird na “Regine at The Movies” mamaya sa New Frontier Theater (dating Kia Theatre sa Cubao).
Hindi pa raw naggi-guest ni Regine si Piolo in any of her concerts, pero siya ay nag-guest na dati sa concert ni Piolo sa Araneta Coliseum.
May Regine-Piolo fans na nagwi-wish na pagtambalin ulit sila like sa isang teleserye bilang Kapamilya na si Reg, pero wala pa raw nababanggit na ganu’n kay Songbird.
Ang sure pa lang ay ang musical sitcom nila ni Ogie Alcasid with Ian Vene­racion. But of course, gusto ulit ni Reg makatrabaho si Papa P kahit “MMK” na lang muna.
Nang magtambal sila before sa “Lobo” episode ng “MMK ay napanalunan ni Regine ang kanyang kaisa-isang acting award mula sa Star Awards for TV.
Mga kantang ginamit o may kaugnayan sa pelikula, both foreign and local ang aawitin ni Songbird sa three nights na iba-iba ang kanyang repertoire.
Sa isang patikim na IG post ni Cacai Mitra, ang kinakanta ni Reg ay “Only Hope” mula sa “A Walk to Remember”, tapos ay may patikim din siya ng “Lost Stars” mula sa “Begin Again”.
Aabangan naming kantahin niya ang request namin na “I’ll Never Love Again” ni Lady Gaga mula sa latest remake ng “A Star is Born”.
Enjoy si Songbird sa mga intimate show na ganito na may concept, tapos ay maliit lang ang venue at mas malapit siya sa au­dience.