Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LJ nagpasaring ng third party sa hiwalayan kay Paolo

0 97

NI: VINIA VIVAR

Finally ay nagsalita na si LJ Reyes sa hiwalayan nila ni Paolo Contis. Siya mismo ang nag-reach out kay Boy Abunda at nagbigay ng exclusive interview noong Martes ng gabi at in-upload kagabi sa You Tube channel ng TV host titled “The Interviewer Presents: LJ Reyes (THIS INTERVIEW IS UNEDITED).”

Tumagal ng 1 hr and 6 minutes ang panayam kay LJ na kasalukuyang nasa New York na at the time of interview. Kasama niya of course ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer. Dumating sila sa NYC last Wednesday. Nakatuloy siya sa kanyang ina na 20 yrs. nang naninirahan sa Amerika with her sister.

Matapos ang kumustahan sa buhay ng pamilya ni LJ sa US ay dumako na sila sa pinakasentro ng panayam at ito nga ay ang tungkol sa hiwalayan nila ni Paolo na nauna nang kinumpirma ni Lolit Solis last week.

Dito na nagsimulang maging emosyonal ang aktres at wala nang patid ang kanyang pagluha sa buong panayam.

Simula ni LJ, nagdesisyon siyang basagin ang kanyang katahimikan to set the record straight sa mga aniya’y maling impormasyon na lumabas about the separation para na rin protektahan ang kanyang mga anak.

Unang nilinaw ni LJ, hindi mutual decision ang paghihiwalay nila ni Paolo at hangga’t maari ay ayaw na niyang magbigay ng mga detalye.

“It’s been really difficult, tito Boy. The past several months. And ano ba ngayon, August? The past 2 months have been parang revelation after revelation.

“And sa gabi po, tito Boy, ang nagpapatulog lang sa akin is praise and worship songs. Minsan po, binabangungot na ako kasi hindi ko po alam kung paano nangyari ‘yung mga bagay na nangyari. Na parang hindi ko na po mahiwalay ‘yung reality sa nalaman ko na mga bagong information, revelation sa akin ng mga tao sa paligid ko, ‘yung mga na-uncover ko,” umiiyak na sabi ni LJ.

Hindi mutual decision ang paghihiwalay dahil ayon kay LJ, matagal na niyang nararamdaman na nakahiwalay na si Paolo sa kanila at malaki na ang ipinagbago nito.

“Parang nasa ibang mundo na po siya. At parang pakiramdam ko, eh, hinihintay niya lang na manggaling sa akin,” aniya.

Nagsimula raw ang pagbabago ni Paolo late last year. Madalas na raw itong walang sa bahay na dati’y hindi naman ganu’n dahil napaka-homebody raw ng aktor.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ilang beses daw niyang tinanong at kinausap si Paolo sa pagbabago nito pero ang lagi raw sagot sa kanya ay “akala mo lang ‘yun, ganu’n pa rin naman.”

Nilinaw ni Kuya Boy kung ano ang mga rebelasyon na nalaman niya about Paolo at sagot ni LJ, “mayroon pong mga taong out of concern would message me about events or sightings, ganyan. Pero I would ask, syempre po, laging walang confirmation.”

Sa tanong kung may third party involved ay hindi ito masagot ni LJ pero at the end of the interview ay muli itong tinanong sa kanya ni Kuya Boy at ang nasabi lang ng aktres, “I think po, maraming makakasagot niyan kahit po hindi ako sumagot.”

Hindi rin nakasagot si LJ nang tanungin kung may kinalaman ba ito sa pera at naintindihan naman ito ni Kuya Boy.

“Priority ko po ang welfare ng mga bata,” aniya.

Ayon pa kay LJ, dumating din daw sa puntong hindi na niya kilala ang Paolo na nakikita niya these past several months kaysa sa Paolo na nakilala niya noong nagsisimula pa lang sila.

Ilang beses ding sinabi ng aktres na lubhang napakahirap at napakasakit nito para sa kanya.

“Hindi ko lubos akalain na masasaktan ako at ang mga bata nang ganu’n. Gusto ko na lang po talagang parang tanggalin sila sa sitwasyon kung kaya kong baguhin lahat,” ani LJ.

When asked kung sinasaktan ba ni Paolo ang mga bata physically at ani LJ ay hindi naman daw.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni LJ kung hanggang kailan sila mananatili sa New York at wala pa raw siyang konkretong plano. Ipinagdadasal na lang daw niya sa Diyos na bigyan siya ng lakas ng loob na makaya ang lahat ng ito at makapagsimula ulit kasama ang kanyang 2 anak.

Tumagal din ng 6 years ang pagsasama nina Paolo at LJ. May isa silang anak, si Summer habang ang panganay naman na si Aki ay anak ni LJ kay Paulo Avelino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.