Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Llavanes naghari sa online chess

0 174

Hinirang na kampeon si Philippine Air Force Chess Team coach National Master Ronald Llavanes sa katatapos na NM Zulfikar Aliakbar Sali Birthday Chess Blitz Tournament na isinagawa sa online Lichess.Org.

Pinisak ng Naga City woodpusher si Norvin Gravillo ng Quezon City sa final round upang ilista ang 15 puntos mula sa 14 wins, 2 draws at 1 loss sa 17 games sapat upang sikwatin ang P5,000 premyo.

Related Posts

Pumangalawa si Vince Angelo Medina ng Manila na may 14 points sa nilistang 12 wins, 4 draws at 1 loss para ibulsa ang P4,000 cash prize.

At third placer si Chin Lim ng Quezon City na nagkamada ng 13.5 markers para saP3,000 gantimpala. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.