Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lloyd kay Kimpoy: Ilipad mo ako sa langit

0 97

Puno ng pangarap ang content creator na si Lloyd Cadena bago ito pumanaw sa edad na 26.

Binahagi ng kapwa vlogger at kaibigan ni Lloyd na si Kimpoy Feliciano ang naging huli nilang conversation bago sumakabilang-buhay si ‘Kween LC’.

Sa convo ng dalawa, pinag-uusapan nila ang kanilang mga nais makamtan, kung saan binunyag ni Lloyd na pangarap niya talagang maging dentista.

Biniro pa nito si Kimpoy, na gusto namang maging piloto, na ilipad siya sa langit kapag nakamtan nito ang pangarap na career.

“Aral tayo!! Mag-eenroll ako if ever na buhay pa ako after this ECQ (enhanced community quarantine,” bahagi ng mensahe ni Lloyd kay Kimpoy.

Nagbigay din ng advice si Lloyd sa kapwa Youtuber na gawin lang ang mga pangarap sa buhay habang may panahon pa.

Si Lloyd ay pumanaw nitong Biyernes, kung saan maraming influencer at celebrity—kabilang na si Mariah Carey—ang nagdalamhati sa biglaang pamamaalam ng matulunging vlogger. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.