Abante Tonite Interactive

Lloydie babalikan si Shaina

0 1,001

Matunog na ang balitang gagawa ulit ng pelikula si John Lloyd Cruz. Pero hindi lang ang showbiz ang binalikan niya kundi pati na rin ang ex-girlfriend na si Shaina Magdayao.

Ang tsika ay magkasama ang dalawa sa pelikulang “Servando Magdamag” after nilang mag-split nu’ng 2012.

Kumbaga, hindi man personalan ang balikan nila ay keri na nilang makatrabaho ang isa’t isa.

Ipinakita ang magkahiwalay na eksena nina John Lloyd at Shaina sa pelikula. Ito’y sa trailer ng “Sama-Sama Tayo sa 2020” ng ABS-CBN 2.

Ang naturang movie ay ididirek ni Lav Diaz.

Eksena ni Billy halos ikamatay ni Coleen

Makikilala na si “Mia” at ang kanyang beshie na si Bru ngayong araw na ito sa mga sinehan. Kakaiba ang atake nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman sa pelikula. Nagpasiklab sila sa akting at naglalagablab ang chemistry nila. Hindi mawawala ang kilig.

Nakakawindang din ang special participation ni Billy Crawford sa “Mia”. Halos ikamatay ni Coleen ang eksenang ‘yun sa sobrang sakit. Alamin kung bakit.

Maraming madidiskubre at matutunan ‘pag pinanood ang “Mia”. Ituturo rin ng pelikula ang pagmo-move on para sa panibagong buhay, pagpapatawad, pagmamahal at tamang timpla ng relasyon.

Isang makabuluhan at entertaining ang handog ni Direk Veronica Velasco.

May K ang producer na si Chris Cahilig na maging proud sa pag-iimbita na panoorin ang “Mia”.