Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lloydie, Dingdong, Alden patigasan

0 549

Hindi puwedeng ikaila na talagang marami ang miss na miss si John Lloyd Cruz.

Kung mananalig tayo word of mouth, social media postings at impressive rating digits ng show para sa online shopping brand kung saan nangyari ang kanyang “official” showbiz comeback, on the roll ang appreciation at curiosity sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon.

Kaya nga marami ang kinilig at nagbunyi, at umaasa na imbes na si Andrea Torres, eh si Jennylyn Mercado ang hinihiling ng kanyang mga fan na makatambal sa sitcom na kanyang napipintong pagbidahan.

At may panawagan rin na ngayong si JLC nga ay nasa Kapuso network na.

Hindi ba mas bonggang-bongga kung isang pangmalakasang pelikula o kaya ay drama anthology ang kanyang gawin at ang makakasama niya rito ay sina Dennis Trillo, Dingdong Dantes at Alden Richards?

Juice colored! Casting coup ang Cruz, Dantes, Richards at Trillo .Talagang patigasan, pagalingan sa pag-arte pag nagkataon, huh! Apat sa pinaka-dakila nating aktor sa isang proyekto ay talagang a dream is a wish your heart makes na kapag naging reyalidad, talagang pasabog at payanig.

Ang daming literary inspirations na pwedeng pagkahunan ng mga kuwento kung saka-sakaling pagsasamahin ang apat na ito. Tiyak kapag sina John Lloyd , Dingdong , Dennis at Alden eh may pelikula, ang demand na buksan na ang mga sinehan, hindi na pwedeng tanggihan at pigilan pa. (Kayanin ba ng producer ang TF ng apat? Super madugo.-ED)

@@@

Lustre KSP sa paandar

Ikinaganda ba ni Nadine Lustre ang drama niyang pagpapa-tattoo? Hindi. Magbabago ba ang pakiwari ng mga tao sa kanya na siya ay nakikipaglaban sa kanyang talent agency at movie production? Hinding-hindi siyempre.

Ang nangyayari ngayon kay Nadine, mas marami ang angst kesa sa amused. Kung totoo man na sa simula, mas gusto lang daw nito ang maging mang-aawit at hindi niya gusto ang pag-arte, eh di sana noon pa man, hindi niya sinubukan, at hindi siya pumirma na maging kapareha ni James Reid.

Related Posts

Eh bakit noong grabe ang tilihan at mga papuri, kaliwa’t kanan ang endorsements, kumikita ang mga pelikula, maraming tumatangkilik sa mga teleserye, tahimik ka lang, walang kuda at hanash.

Kaya sige, ganiyan na lang ang gawin mo. Magpapansin sa social media kahit mukhang KSP ang dating ng paandar.Magpa-tattoo pa rin na kunyari ay life affirming statements.

Kung sabagay, maligaya ka naman sa piling, bisig at yakap ni James Reid, kaya sige, enjoy the heady trip. Naway pang matagalan na talaga kayo.

@@@

Pokwang, Ai Ai Eugene ‘isnaban’ sa GMA

Ang Comedy Concert Queen siyempre pa ay si Ai Ai delas Alas. Ang duchess of intelligent comedy at A list drama actress, pasok sa banga si Eugene Domingo. At ngayong papasok na si Marietta Subong na mas kilala nating lahat bilang si Pokwang, ano kayang title ang maibibigay sa kanya bilang ka-Siyete?

Dalawang reynang may trono sa comedy at drama sina Delas Alas at Domingo, ano nga kaya ang kanilang damdamin ngayong ang sinabing third force sa pagpapatawa eh makakasama nila?

Makakaasa ba tayo na mainit ang pagtanggap at may mahigpit na pagyakap? May magiliw bang pagbeso-beso si Queen Ai at Duchess Eugene kay Countess Marietta?

Oh tulad ng mga pasaway na rich and infamous sa “Bridgerton” eh may isnaban, ismiran, tarayan at parunggitan ang comic troika? Ay! Ang saya pag nagkataon. Kasi matatalinong babae ang tatlong ito at palaban sa totoong buhay kaya nakakaliting isipin kung may benggahan at pagdadabog ng bangs just in case. Ha!ha!ha!

Pero dahil nga best in good manners at right conduct sina Ai Ai at Eugene, idagdag pa diyan na secure at confident sila sa kanilang mga estado bilang reyna at dukesa sa Kapuso kingdom, tiyak na welcome na welcome si Kontesa Pokwang.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat, pagsama-samahin sila sa isang talk show na mala-“The View” o kaya comedy action drama, na parang “Charlie’s Angels” meets “Move To Heaven” eh di pasabog na pasabog ang trio con brio nila. Winner takes it all time three sila, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.