Abante Tonite Interactive

Lloydie namimili ng network?

777

Sunod-sunod ang Instagram post ni John Lloyd Cruz nitong mga nakaraang araw kaya lalong umiinit ang espekulasyon na baka nga magbabalik na ang aktor na kasalukuyang naka-indefinite leave sa showbiz.

Parang unti-unti na rin nga niyang kinukumpirma ang pagkakaroon niya ng anak dahil nag-post siya few days ago ng larawan niya na tila nasa mall at may hawak na stroller at may caption na “pauwi.”

Kahapon ay tatlong magkakasunod din ang post ni LLoydie at isa rito ay pag-iisipan mo na parang may kahulugan.

Nag-post si Lloydie ng larawan ng isang paa na may nakasuot na socks, at sa caption, he wrote, “We live in a time where socks tell you which side to go.”

Puwedeng wala namang ibang meaning or konek ito sa kanya pero puwede ring meron especially sa mga katagang “which side to go.”

Pinag-iisipan ba ni Lloydie ngayon kung anong project ang tatanggapin niya or kung saan network siya pupunta?
Well, you’ll never know….
***

Lorin, Venice ‘di galit sa ama

Nag-guest ang magkapatid na Lorin and Venice Gutierrez na mga anak ni Ruffa Gutierrez sa “Magandang Buhay” at dito ay may mga klinaro ang dalawang bagets tungkol sa kanilang ama na si Ylmaz Bektas.

Tinanong sila ni Jolina Magdangal kung nagkausap na ba sila ng ama nila, at sey ni Lorin, 4 months ago raw nang huli silang nagkausap.

Say naman ni Venice, “we always call each other together.”

Sinegundahan ito ni Lorin at nilinaw ang mga tsismis na wala silang contact sa ama nila.

“We usually FaceTime him. There’s a misconception po na we don’t talk to him at all and have no contact. But we are super friendly naman with our Turkish side po. We follow everyone on Instagram, we always comment on each other’s posts,” sabi ni Lorin.

Dagdag naman ni Venice, pati ang half-sister nila roon ay nakakausap nila.

“We call her like once a month and she always checks on us.”

Ayon pa kay Venice, lagi raw silang nakakatanggap ng comments sa social media at tinatanong ang kanilang ama. Aniya, hindi raw porke’t hindi nila ito ikinukuwento or pinag-uusapan, ibig sabihin ay hindi na sila nag-uusap.

“We do talk to our dad, not very often but enough,” sambit pa ni Venice.

Pero siyempre, when it comes to seeking advice, mas nakakausap nila ang kanilang tito Richard Gutierrez o ang lolo Eddie nila dahil siyempre, may language barrier daw sa pagitan nila ng ama since Turkish ang lengguwahe nito at sila naman ay English.

Anyway, ang bilis ng panahon talaga dahil mga dalaga na ang anak ni Ruffa na dati’y mga musmos pa lang. Hindi magtatagal at baka makita na nating artista na rin sila lalo pa nga’t pumapayag na silang mag-guest ngayon sa TV shows.

Tonite – Wendys Inhouse Ad