Abante Tonite Interactive

Loan application sa GSIS pwedeng online

455

Ipinabatid sa publiko ng Government Service Insurance System (GSIS), particular sa kanilang mga miyembro at pensioner na tumatanggap na sila ng online loan application.

Sinabi nitong Sabado ni GSIS General Manager Rolando Ledesma Macasaet na sinomang GSIS member at pensioner na nais mag-loan ay magtungo lamang sa GSIS website na https://www.gsis.gov.ph/downloadable-forms/, mag-download ng application form at i-fill out at i-email ito sa kanila.

Kailangan ding magsumite ng electronic copy ng GSIS temporary o UMID card, valid ID (may litrato at lagda), at may litrato din sa isusumiteng application form.

“GSIS is exerting all efforts to ensure uninterrupted service delivery to our members and pensioners. This online loan application process is just one of the proactive measures we are taking to serve the urgent financial needs of our members and pensioners during this time of crisis,” pahayag ni Macasaet.

Nilinaw pa nito na Consolidated Loan (Conso-Loan), policy loan, at pension loan ang maaaring i-apply online at hindi ang emergency loan.

Maghintay na lamang aniya sa magiging anunsyo niya sa susunod na buwan kaugnay sa emergency loan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad