Abante Tonite Interactive

Loan sa online lending

By
340

Dear Atty. Claire,

Nakuha ko po email address niyo sa abante.com.ph. Gusto ko po sana magtanong at humingi ng advice. May na-loan po kasi ako last April 2017 sa online lending company. P8,000. Hindi ko po agad nabayaran sa araw ng pagbabayad, dahil nu’ng time na ‘yun gipit na gipit talaga ako. Then after one month nakapaghulog ako ng 2,000 para sa loan.

Kaso ‘yung lending company po sinisingil na ako ng 13,000+ at gusto po na bayaran ko nang buo. Eh hindi ko po kaya magbayad nang ganu’n kalaki, ang kaya ko po installment.

Hanggang sa napabayaan ko na po ‘yung loan, then may nagte-text po sakin na magfa-file daw ng case at magkaka-record daw po ako sa NBI.

Ngayong araw may tumawag daw po sa opisina (naka-leave ako) taga-Manila Bulletin daw po sabi ipa-publish daw ako na may violation sa RA 8484 Art. 354.

Gusto ko lang po ma­laman kung totoo po ba nanilalagay sa dyaryo ‘yung mga ganu’ng case?
Nangangamba ako dahil makakasira po ito sa reputasyon ko.

Ano din po ang dapat kong gawin kung ayaw nila pumayag na installment ang pagbayad, gusto isang bagsakan, hindi ko po kaya ‘yun.

Sana po matugunan niyo ang katanungan ko.

Thank you po,

Nicai

***

Dear Ms. Nicai.

Ms. Nicai,

Ang hindi pagbaba­yad ng utang ay tunay na kasiraan ng reputas­yon ng isang tao kaya’t bago pa man mangu­tang ay dapat handa na tumupad sa obligasyon ng pagbabayad sa oras. Huwag sirain ang tiwala ng nagpautang.

Noong handa kang magbayad nang hulugan at ayaw nilang pumayag ay dapat na nagpadala ka na ng sulat na nagsasabi ng ‘offer of payment’ mo sa paraang kaya mo at kung ayaw pa rin ay nagpatulong ka na sa abogado upang makapagsampa ng Petition for Consignation upang sa korte na kayo mag-usap para ma ideposito ang bayad sa korte upang hindi na lumaki pa ang interes.

Sa nangyari sa iyo ay pinabayaan mo kaya tuloy-tuloy ang takbo ng interes ng utang mo hanggang ngayon.

Kung ikaw ay kinasuhan na ay dapat na may nabigyan ka na ng subpoena para sumagot sa kaso at kung wala pang kaso ay hindi nila basta-basta ma-publish ang pangalan mo sa dyrayo. Hindi pumapayag ang mga kilalang dyaryo sa mga harassment ng mga collecting agency.

Sa ngayon ay maki­pag-ugnayan ka nang personal sa lending company kung alam mo ang opisina upang ipabatid ang planong pagbabayad… mas mainam na may sulat kang ipapa-receive para may ebidensiya ng planong pagbabayad. Hindi nila masasabi na manloloko ka at umiiwas sa obligasyon. Kapag hindi pumayag ay saka ka na dumulog sa korte katulad nang sinabi ko upang makaiwas sa mas malaking interes.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email saattorneyclaire@gmail.com.