Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lobrequito, 3 pa tagilid sa Olympics

0 266

Hindi na makakaalis si freestyler Alvin Lobrequito para sa Asian Wrestling Championships sa Almaty, Kazakhstan sa April 12-17 dahil sa kawalang Detailed Service (DS) permit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nanganganib na rin ang pagpunta niya kasama sina freestyler Jiah Pingot at Greco-Roman practitioners Jason Baucas at Noel Morada sa World Olympic Qualifier sa May 6-9 sa Sofia, Bulgaria dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Pero umaasa pa si Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary general Marcus Valda na makakapagsimula ng training sa lalong madaling panahon ang apat na mambubuno dahil kundi’y wala ng paraan para mag-qualify pa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong din ng pandemya sa darating na July 23-August 8.

Sapol noong 1936 Berlin Olympics, may 15 Pinoy wrestler na ang nakalahok sa quadrennial sportsfest. Ang pinakahuli ay noon pang 1988 Seoul Games sa katauhan nina Dean Carlos Manibog at Florentino Tirante. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.