Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Local peace engagement epektib kontra CPP-NPA-NDF

0 143

Itinuturing na isa sa mabisang pagpulbos sa mga komunistang-terorista ang Local Peace Engagement o LPE kaya iminumungkahi ng mga peace adviser ng Palasyo na ipagpatuloy ito ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Assistant Sec. Wilben Mayor, Chief-of-Staff at tagapagsalita ng Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o Opapru, mabisang paraan ang LPE sa paghahanap ng kapayapaan para matuldukan na ang panggugulo ng Communists Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Naniniwala ang Opapru na LPE ang kasagutan para matulungan ang mga apektakdong lugar ng kaguluhan at pagsasamantala ng mga komunistang-terorista. Naging daan ito ng kaunlaran at pagtakwil ng ating mga kababayan sa komunismo,” paliwanag pa ni Mayor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinaliwanag naman ni Interior and Local Government Director Rene Valera na may Retooled Community Support Program sa LPE kung saan makakausap ng direkta ang mga mamamayan sa kanayunan kung ano ang kanilang kailangan para lamang iwaksi at huwag nang suportahan ang mga komunistang-terorista.

“Napagbabago ng RCSP ang pananaw ng ating mga kababayan at sumama sa pamahalaan para lumaya sa kuko ng mga CPP-NPA-NDF,” sambit ni Valera.

Para naman kay Major General Edgardo De Leon, Commander ng 8th Infantry “Stormtrooper” Division ng Philippine Army, na nangangasiwa rin sa pagsupil sa mga rebelde sa Eastern Visayas, ang LPE raw ay katibayan na may epektibong konsepto ang gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.