Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Localized lockdown nirekomenda sa NCR

0 90

Kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), inirekomenda ng OCTA Research team ang pagpapatupad ng localized lockdown upang matigil ang pagkalat ng virus.

Sa latest update ng OCTA, patuloy ang pagtaas ng antas ng hawaan sa Metro Manila na umabot na sa 1.32 mula 1.22 noong Pebrero 21.

Nakapagtala rin ng 40% na pagtaas sa kaso ng COVID sa Malabon, Manila, Makati, Taguig, Parañaque at Marikina kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa buong bansa naman, nakitaan ang Cebu City ng pinakamataas na bagong mga kaso ng COVID-19 na umaabot sa 220 kada araw mula Pebrero 16 hanggang 22.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naitala ng OCTA na may 16 percent positivity rate na 21 kada 100,000 arawang attack rate, ngunit kahit umano tumataas na naman ang mga nahahawaan ng virus, nasa moderate o 53% pa rin ang occupancy rate ng mga hospitals.

“Hospital occupancy was still moderate at 53 percent, as the increase in critical care utilization has been controlled not just b the slowing down of the pandemic in Cebu City, but also the continued pandemic management of the local government, which helped increase hospital bed capacity by at least 10 percent,” pahayag pa ng OCTA.

Kaugnay nito, mayroong 56 barangay at lugar na ang isinailalim sa localized lockdown sa Pasay City matapos makitaan din ng 160% surge sa mga bagong kaso ng virus mula Pebrero 16 hanggang 21. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.