Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lockdown pumabor sa injury ni Giannis

0 199

Nang biglang itigil ang 74th NBA noong March, ilang laro nang nakapahinga si Giannis Antetokounmpo dahil sa sprained knee.

Higit tatlong buwan ang nakalipas, nakarekober na si Antetokounmpo at siniguro ni Milwaukee coach Mike Budenholzer na handa ang Greek Freak na giyahan ang Bucks sa NBA restart sa Orlando sa July.

“It’s a huge advantage for us that Giannis will be completely and totally healthy,” pahayag ni Budenholzer kay Jackie MacMullan ng ESPN noong Sabado (kahapon, Manila time). “He’s in a great place, both mentally and physically.”

Sumakay ang Bucks sa likod ng 29.6 points per game ni Antetokounmpo para humarabas ng NBA-best 53-12 record bago tinigil ang mga laro noong March 11.

Habang naka-lockdown, ipinahinga ni Antetokounmpo ang sarili at injury.

Dagdag pa ang 13.7 rebounds at 5.8 assists per game niya, hindi malayong itanghal na back-to-back MVP si Antetokounmpo. Kabisado na ng ibang teams na kapag hawak ang bola ay sasalaksak, pero hindi pa rin mapigil si Antetokounmpo sa pag-atake sa rim. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.