Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lockdown sa buong Maynila nakaamba

0 234

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na hindi siya magdadalawang isip na magpatupad ng city-wide lockdown para mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamayan laban sa COVID-19.

Reaksyon ito ng alkalde kaugnay sa tumataas pa ring bilang ng nahawa ng virus.

Kasabay nito, nagbabala rin si Moreno sa mga pribadong quarantine facility na tiyaking nakasusunod sa standard ng pamahalaan ang kanilang pamamahala. Mananagot umano ang pasilidad kapag napatunayang mayroong kapabayaan.

Sinabi rin ng alkalde na matagumpay naman ang ipinatupad na lockdown sa tatlong barangay ng lungsod. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.