Abante Tonite Interactive

Locsin: Death penalty hindi uubra sa mga kriminal

372

Tinututulan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang panukalang mu­ling pagpapatupad ng parusang kamatayan sa bansa.

“I’m against the death penalty. Doesn’t work; just creates an illusion of severity criminals see through easily. Scares nobody,” ito ang pahayag ng kalihim sa kanyang official Twitter.

Aniya, hindi umano ito magiging solus­yon para labanan ang luma­lalang kriminalidad kaugnay ng droga.

Abante Hiring – IT dep

Dagdag pa ng kalihim, “It just degrades society by making eve­ryone complicit in a capital error of miscarried justice. EJK is a crime of the cop; judicial killing is our crime.”

Inilabas ni Locsin ang pahayag kasunod ng pagsusulong ng ilang senador na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa. (Armida Rico)