Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Locsin nag-sorry sa Chinese envoy

0 218

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabjnete na iwasan ang magmura o magbitaw ng masasakit na salita.

Kasunod ito ng mga mensahe ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.sa kanyang twitter account na may kasamang mura laban sa China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi lamang si Locsin ang pinatungkulan ng mensahe ng Presidente kundi sa lahat ng miyembro ng gabinete.

Nagkausap na aniya sila ni Secretary Locsin at nagsabing humingi na ito ng dispensa kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian .

“Kami po ay nagkausap ni Secretary Locsin at ipinaalam sa akin na personal siyang nag-apologize sa Chinese Ambassador,” kuwento ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.