Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Locsin napamura kay Roque sabay nag-`I love you’

0 345

Pinalagan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na karaniwan na ang pagmumura sa mga matatanda o may edad na tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Locsin na mahal niya si Roque pero sinadya niya rin itong murahin sabay banat ng huwag nitong igiit ang pagtatanggol sa nakaugaliang pagmumura ng Pangulo sa publiko.

“What are you f…..g saying Harry, that old guys are foul-mouthed? P……..i……I love you Harry but don’t push it,” ani Locsin.

Idiniin ni Locsin na hindi palamura at balasubas ang bibig ng mga may edad ng lalaki tulad ng nais palabasin ni Roque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, mali na gawing katuwiran ni Roque na nagiging normal na palamura ang lalaki habang tumatanda ito.

Aminado si Locsin na nainis siya sa pahayag ni Roque na normal na rin ang pagmumura ng mga may edad ng lalaki, partikular sa mga kritiko nito, tulad ng ginagawa ngayon ng Pangulo.

Aniya, mali ang paniniwala ni Roque na hindi magiging masamang ehemplo ang pagmumura ng Pangulo kahit sa harap ng mga bata.(Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.