Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Locsin pinasilip absentee voting sa UAE

0 42

Inatasan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang isa niyang opisyal na na beripikahin ang ulat na lumabas sa social media kaugnay sa 10 vote counting machine sa United Arab Emirates na hindi umano gumagana.

Nagresulta umano ito sa paghaba ng pila ng mga botante doon.

Sabi ni Locsin, kahiya-hiya ang balita lalo kung ito ay totoo.

Pero dahil naglipana rin ang fake news sa social media, dapat umanong puntahan ni DFA Undersecretary Brigido Dulay ang botohan para alamin ang sitwasyon, lalo pa’t naroon na rin siya sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito, hinikayat naman ng DFA ang mga Pilipino sa ibang bansa na huwag nang maghintay hanggang sa kahuli-hulihang sandali bago lumahok sa overseas absentee voting (OAV).

Paalala ni Dulay, hanggang ngayong Lunes, May 9, lang ang botohan para sa mga overseas Pinoy, na kasabay naman ng pagbubukas ng halalan sa Pilipinas.

Abril 10 pa sinimulan ang OAV at tumagal ito ng isang buwan.(Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.