Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Locsin sinita 220 Chinese barko sa West PH sea

0 406

Sinita ni Foreign Secretary Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang sinasabing nakakalat na Chinese militia vessel kasabay ng paghahain nito ng diplomatikong protesta.

“Diplomatic protest fired off tonight; can’t wait for first light,” saad ni Locsin sa kanyang tweet kahapon.

Kaugnay nito ay nagpakalat din ng tropa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon sa West Philippines Sea upang kumpirmahin ang ulat hinggil sa namataang mahigit sa 220 Chinese vessel na nakapaligid sa nasabing karagatan.

Sa statement ni AFP Spokeperson Major Edgard Arevalo, nagpadala na sila ng Air Force at Navy assets sa West Philippine Sea upang magsagawa ng air at sovereignty patrols.

“Appropriate reports were made and forwarded to other agencies of government through the General Headquarters of such monitored number of CMM,” pahayag ni Arevalo sa kanyang statement.

Matatandaang mahigit sa 200 Chinese maritime militia (CMM) vessels ang umano’y namataan na paikot-ikot sa West Philippine Sea, base sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang nasabing ulat ay natanggap ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), base sa bilang ng PCG nasa 220 CMM vessels umano ang nakapaligid sa Julian Felipe Reef (Whitsun Reef). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.