Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Locsin tinabla P7.5M areglo sa OFW rape-slay

0 127

Inatasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait na ihinto ang P7.5 milyong `blood money’ sa pamilya ng pinaslang na overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende.

Pinasisiguro niya kay Philippine Ambassador to Kuwait Noordin Pendosina Lomondot na mapapatupad ang hatol na death penalty laban sa employer ni Villavende.

“The P7.5 million blood money to pay off this horror is changing hands even as I tweet; ordered Kuwait PE Lomondot to stop it; on our part we must match the P7.5 million offer to her surviving kin—NOW! Lomondot must make sure the court judgment of death is carried out,” tweet ni Locsin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinamahan niya ang tweet ng larawan ng pinaslang na OFW.

Disyembre 2020 hinatulan ng Kuwait court ng parusang bitay ang babaeng employer ni Villavende. Apat na taong pagkakulong naman ang hatol sa mister ng Kuwaiti employer.

Lumabas sa awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) na hinalay din si Villavende.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.