Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lodi sa dance floor, dinedbol

0 86

Matapos ang tatlong araw na pagkawala, patay na nang matagpuan kamakalawa ang isang 29-anyos na lalaki matapos umanong pagtripang bugbugin at pagsasaksakin ng anim na hindi pa kilalang kalalakihan dahil sa galing nitong sumayaw sa Laoang, Northern Samar.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Elves Barron, 29, mangingisda. Ito ay tadtad ng saksak at nagtamo pa ng mga pasa sa katawan nang matagpuan nitong Biyernes sa madamong bahagi ng lugar di kalayuan sa kanilang bahay sa Barangay Langob.

Sa ulat ng Laoang Municipal Police Station, huling nakitang buhay ang biktima gabi ng Mayo 24 sa isang sayawan sa kanilang barangay.

Dahil sa husay nitong sumayaw ay napagtripan ito ng anim na suspek na magbabarkada at ginulpi ang biktima sa `dance floor.’ Nakatakbo ang biktima subalit hinabol ito ng mga suspek.

Mayo 27 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek, na ayon sa mga saksi ay pawang dayo sa kanilang barangay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.