Abante Tonite Interactive

`Lodi’ , `Shookt’,​ salitang balbal sa millennial

1,581

Isa sa mga kakaibang katangian ng henerasyong millennial, mga panahong ipinanganak noong 1980s hanggang early 2000s sa Pilipinas, ay ang paglikha ng sarili nilang salita o ­balbal (salitang kanto o nilikha sa impormal na salita).

Angkin na angkin ng bawat ­millennial ang mga salitang ito tuwing ipinapahayag nila ang kanilang sarili sa kanilang iba’t ibang social media accounts katulad ng Facebook, Twitter at Instagram.

Ang paggamit ng mga ito ay isa sa iba’t ibang paraan kung paano nila maipapakita kung sino sila bilang isang henerasyon. Narito ang ilang halimbawa ng mga sa­litang balbal na ito.

Isa sa mga pinakasikat na salitang maririnig mo sa kanila ay ‘Lodi’. Para sa kanila, isa kang ‘lodi’ kapag ikaw ay tinitingala o hinahangaan ng mga tao sa isang ginawa mo. Kumbaga, ikaw ay hinahangaan kapag tinawag ka nito. Halata ang kahulugan ng salita kapag binasa mo ito ng pabaliktad.

Inilalarawan ang isang tao na ‘Shookt’ kapag siya ay ­sobrang apektado sa mga ganap sa kanyang buhay o sa kanyang mga napapanood.

Noon, kapag niloloko ka ng iyong mga kaibigan, isang simpleng “biro lang!” ang maririnig mo sa dulo ng kanilang pangu­ngusap. Subalit ngayon, pinaikling ‘Charot’ o ‘Chos’ ang karaniwang ginagamit para dito.