Abante Tonite Interactive

Loisa inggit kay Maymay

667

Idinenay ni Loisa Andalio ang tsikang insecure siya kay Maymay Entrata.

Katunayan, natutuwa raw siya na magkakaroon na ito ng teleserye kasama ang love team partner nitong si Edward Barber.

Sey niya, nabigyang-kulay lang daw o na-misinterpret ang kanyang himutok sa social media kung saan sinabi niyang ‘mapapahayyy ka na lang talaga’ na nai-post niya noong panahong naglabas ang ABS-CBN ng kanilang bagong shows.

WIS o walang ibig sabihin daw ang kanyang naging emote maliban sa nalulungkot daw siya sa mga nangyayari sa bansa tulad ng pagputok ng bulkang Taal.

Pinabulaanan din niya na pinababayaan siya ng kanyang mother network.

Tulad ng pagbibigay ng break sa LoiNie, naniniwala raw siya sa tamang panahon.

Paglilinaw pa niya, wala rin daw siyang balak mag-ober da bakod dahil kuntento siya sa kanyang karera sa nasabing istasyon.

Katunayan, happy siya dahil ila-launch na ang kanilang love team ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte sa pelikulang “James and Pat and Dave” na sequel sa MMFF surprise hit na “Vince and Kath and James” ni Theodore Boborol.

Kahit nakapagbida na sa CinemaOne Originals movie na “Hospicio”, espesyal daw sa kanya ang “James and Pat and Dave” dahil dito ilulunsad ang ‘Team Real’ nila ni Ronnie.

Kasama rin sa cast si Donny Pangilinan bilang Dave, ang kanyang ex. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad