Abante Tonite Interactive

Loisa kabado sa pagsasara ng Dos

706

Isa si Loisa Andalio sa mga Kapamilya celebrities na naalarma sa umano’y estado ng nakabin­bing franchise ng ABS-CBN na mag-e-expire sa Marso sa susunod na taon.

Very vocal kasi siya pagsasabing maraming maaapektuhan kung sakaling hindi mae-extend ang prangkisa ng nasabing network na pinagtatrabahuhan niya.

Hindi niya naitago ang pagkabahala niya sa pagsagot niya sa tweet sa isang Twitter user na nagnga­ngalang Drogs na nagsabing, “Thank you Pres. Duterte for the pension increase ng military retirees. Kasama na dito ang father ko. Ang saya nila ni Mommy. Ngayon lang daw siya nakakuha ng ganito kalaki na increase. Parang gusto ko na tuloy pumasok sa reserve force.”

Sagot ni Loisa sa nag-tweet: “Pero marami naman ang mawawalan ng trabaho sa ABS.”

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang kanyang na­ging tweet at may nagsasabing valid naman daw ang kanyang pagwo-worry lalo pa’t breadwinner ng pamilya ang young actress at aminado itong halos nasimot ang savings niya dahil sa pinapagawang bahay para sa kanyang pamilya. (Archie Liao)