Abante Tonite Interactive

Loisa naadik sa online game

698

Lahat ng manggagawa sa showbiz sector ay apektado ng community quarantine na ipinatutupad sa buong bansa.

Sa mga artista, todo ang kanilang paghihigpit ng sinturon lalo na doon sa mga walang shows o teleseryeng ginagawa sa kasalukuyan.

Dagdag pa rito, tigil at on hold pa ang lahat ng produksyon ng TV series at pelikula kahit pa nagpahayag ang Professional Artists Management,Inc.(PAMI) na compensated ang kanilang mga artists o may subsidy ang isang network during the time na suspended ang kanilang mga trabaho.

Sa tulad ni Loisa Andalio, no choice siya kundi gawing opportunity ang lockdown na makipag-bonding sa kanyang pamilya.

Aminado siyang halos nauubusan na siya ng ideya ng panonoorin sa Netflix kaya naman pati documentaries ay pinapatulan na niya.

Ngayon naman nai-enjoy niya ang ride sa Mythic 4 sa paglalaro ng Mobile Legends. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad