Abante Tonite Interactive

Loisa nasimot ang pera

1,005

Nilinaw ni Loisa Andalio na hindi ang mga intriga tungkol sa umano’y sex video scandal ang kanyang iniyakan noong presscon ng kanyang series sa iWant na “Past, Present, Perfect?”

May kinalaman daw ito sa pinagdaraanan na financial problem ng kanyang pamilya.

Sey pa niya, aminado siyang may mga pagkakataong kinakapos siya dahil sa laki ng gastos niya sa pagpapatayo ng kanilang bagong bahay.

“May time na nasisimutan talaga ako ng pera. As in nasisimot talaga.

As in hindi ako makahingi ng pera kay mama kasi alam kong walang pera.
Kahit ngayong artista na ako as in nu’ng last year, mga gano’n, hindi ako nakakahingi ng pera kay mama, kasi alam kong wala talaga,” paliwanag niya.

“Dumaan talaga na parang tiis talaga, ‘yung hindi ka makabili talaga ng gusto mo kasi may pinapagawa kang bahay. Basta importante lang talaga hindi ako mawawalan ng gas ng sasakyan. Kasi ‘pag nagti-taping ako kailangan ko ng gas kasi ‘yung pagkain meron naman sa taping,”dugtong niya. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad