Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Loisa umiyak na jobless

0 355

NI: ARCHIE LIAO

Hindi napigilan ni Loisa Andalio na maging emosyonal nang maging panauhin siya sa morning talk show na “Magandang Buhay.” Hindi niya mapigilang umiyak.

Nabanggit ng aktres na malaki raw dagok para sa kanya ang pagsasasara ng ABS-CBN dahil nawalan siya ng hanapbuhay.

Aminado rin siyang problemado dahil siya ang itinuturing na breadwinner ng kanilang pamilya.

Dati-rati raw kasi, siya rin ang may pina-okey na trabaho sa family nila, pero ngayon, nag-iba raw ang lahat na pinahirap pa ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagamat may naipon, hindi raw naman sapat iyon lalo pa’t walang pumapasok na ‘income’ sa kanya ngayon.

“Pinaka-challenge talaga yung walang work. Bilang breadwinner, di ba, mahirap. Ikaw yung inaasahan ng family mo,” aniya.

Sa kanyang pinagdadaanan sa ngayon, gusto na lang daw niyang magpakatatag para sa kanyang pamilya.

Pagbubunyag pa niya, malaking tulong din daw na naihihinga niya sa kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte ang kanyang mga problema sa buhay.

Kasama sana Loisa at Ronnie sa seryeng ‘Bagong Umaga’ pero naudlot. Natanggal sila sa casting kasabay ni Julia Barretto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.