Abante Tonite Interactive

Lokal na produksyon ng PPE, sisimulan pagkatapos ng Semana Santa

498

Mag-uumpisa na ang lokal na produksyon ng mga medical grade na personal protective equipment na ginagamit ng mga doctor, nurse at iba pang mga healthworker sa bansa.

Nakipag-ugnayan ang Department of Trade and Industry at Department of Health sa Confederation of Wearable Exporters of the Philippines para pasok sa standards ng pangangailangan ng mga healthworker ang kanilang manggagawa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, may kakayanang makagawa ang CONWEP ng 10,000 PPE sa isang araw at naglabas na ng kautusan ang Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs para hindi na ito patawan pa ng taripa at buwis ang mga raw material na iaangkat para makagawa ng mga ito.

Pinayuhan ng Federation of Free Farmers ang Department of Agriculture nap ag-isipan mabuti ang gagastusin nito sa pagseseguro na may sapat na bigas, lalo na ang P8.5 bilyong Rice Resiliency Program nito.

Sa pahayag ng DTI, kinilala ni Trade Secretary Ramon Lopez na may kakulangan na ng suplay ng PPE sa buong mundo kayat nakipag-ugnayan ang pamahalaan at ang private sector para maayos ito.

Sabi ng DTI, nakipagtulungan ang Department of Health at ang Philippine General Hospital sa CONWEP para makagawa ng prototype ng medical grade PPE na magagamit sa mga COVID-19 facility tulad ng mga wards, ICUs, operating rooms at iba pa.

Ayon sa DTI, sa April 9 ililipad sa bansa ang mga raw materials at maari nang simulant ang produksyon pagkatapos ng Holy Week. (Eileen Mencias)

Tonite – Wendys Inhouse Ad