Abante Tonite Interactive

Lokohan sa pinirmahang kontrata inireklamo

92

Dear Sir,

Magandang araw, idudulog ko sa inyo ang problema ko sa aking kontrata.

Actually, US$400 po ‘yung pinirmahan namin pero pagdating po namin dito sa Saudi Arabia ay naging (Saudi Riyal) SR900 ang basic at may kaltas pang SR200 kada buwan.

Abante Hiring – IT dep

Hinihiling ko po sana ay matulungan n’yo po ako makauwi sapagkat ang aking asawa ay halos gabi-gabi ay umiiyak sa dinadanas ko. Mas mabuti pa po na sa Pilipinas na lang ako magtrabaho.

Sana ay matulungan n’yo ako kahit konting tulong para po makapagsimula po ulit ako sa ‘Pinas ng magandang trabaho at buhay kasama ang aking asawa at 2 years old na anak.

Maraming salamat po, umaasa po ako sa tulong na ibibigay n’yo God bless po.

Jonjon Ramos

***

Si Mr. Ramos ay nagtrabaho sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng M.H.D. MANPOWER na ang tanggapan sa Saudi ay Herfy Food Office na nasa Almuruge Exit 5 simula pa noong Disyembre 20, 2015.

Naiparating na rin ng United-OFW na pinamumunuan ni G. John Leonard Monterona ang liham na ito sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR pero nananatili pa ring walang aksyon, kaya ang BayaniKa ay kumakatok rin sa mga nabanggit na mga ahensya ng gobyerno upang humiling na bigyang atensyon ang karaingan ni G. Ramos.