Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola, 2 apo magkakayakap na natusta

0 50

Isang lola at dalawa nitong apo ang nasawi nang masunog ang kanilang tinitirhan at madiskubre ang bangkay ng mga ito na magkakayakap sa Barangay Lapnit, San Ildefonso, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng San Ildefonso Fire Station ang biktimang sina Zenaida Ferena, 75, at apong sina Donalyn, 12 at Zapea, 6-anyos.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon, pasado alas-12:00 ng madaling araw kamakalawa nang maganap ang insidente kung saan nadatnan na lang ng mga fire probers na magkakayakap ang bangkay ng maglolola sa kanilang kubeta.

Patuloy pa ding iniimbistigahan ng pulisya kung ano ang sanhi ng sunog. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.