Abante Tonite Interactive

Lola, amain piantay ni ampon

By
1,329

Matinding galit at hinanakit ang tini­tingnan ng mga im­bestigador ng pulisya na motibo kung bakit nagawang patayin ng isang 19-anyos na binata ang kanyang lola at amain sa Burgos, Ilocos Sur kamakailan.

Kinilala ng Burgos Police Station ang mga biktima na sina Inedita Defiesta, 81-anyos, at anak nitong si Cesar
Defiesta, 52, parehong taga-Brgy. Bessang sa nasabing bayan.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Andres Tan Defiesta Jr., na ampon diumano ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok umano ng suspek ang bahay ng mga biktima sa pamamagitan ng pagsira sa railings ng bintana at unang pinagsasaksak ang kanyang lola hanggang humandusay sa sahig.

Kasunod na sinugod ng suspek ang amain at pinagsasaksak din ito hanggang sa mamatay.

Ayon sa ulat ng nasabing himpilan, ang mga biktima ang nagpalaki sa suspek ngunit napuno na umano ito dahil sa pagiging madamot nila sa kanya kung kaya’t nagawa ang krimen.

Agad namang naaresto ang suspek na umaming dahil sa tindi ng galit at hinanakit ang dahilan kung kaya’t nagawa niya ang krimen.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Burgos Police Statio­n ang suspek at iniha­handa na ang kaso laban sa kanya.