Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola, bahay tupok sa sunog

0 138

Patay ang isang lola nang kasama itong matupok nang nasunog niyang bahay sa isang subdivision sa Sta. Rosa City, Laguna, Martes ng gabi.

Kinilala ng Sta. Rosa City police ang biktima na si Rosita Dalere Ramos, 77-anyos.

Sa report, sumiklab ang sunog sa tahanan nito sa Metrogate Subdivision, Barangay Tagapo alas-10:49 ng gabi.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng City Fire Marshall ng Sta. Rosa at naapula ang apoy alas-11:16 ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga bumbero, natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima sa loob ng natupok na bahay.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng natutulog na ang biktima nang sumiklab ang sunog at hindi na ito nakalabas matapos na mabilis na kumalat ang apoy.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng nilamon ng apoy. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.