Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola bulagta sa senglot na parak

0 260

Sinabunutan ang isang lola bago malapitang pinaputukan ng baril ng kapitbahay niyang pulis sa Barangay Greater Fairview, Quezon City, Lunes ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Lilibeth Valdez, 52, residente ng Sitio Ruby dahil sa tama ng bala sa leeg habang todo-tanggi pa sa krimen ang suspek na si P/MSgt. Hensie Zinampan na nakatalaga sa Police Security and Protection Group.

Nakuhanan ng video ng lalaking apo ng biktima ang pamamaril ng pulis.

Batay sa salaysay ng anak ni Valdez na si Beverly Luceño, alas-9:00 ng gabi (Mayo 31), nang bumili ng sigarilyo ang biktima sa isang tindahan sa labas ng kanilang bahay at tumambay doon.

Maya-maya ay nilapitan si Valdez ni Zinampan na sinasabing lasing. Kitang-kita sa video na bumunot ito ng baril mula sa bag at itinago sa likuran bago lumapit at kinausap ang lola.

Ikinasa ng suspek ang baril at saka sinabu­nutan ang biktima. Nagmakaawa ang huli at sinabing, “Sir, huwag n’yo naman akong saktan!” pero bigla siyang pinaputukan sa leeg ng pulis na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

SM food to go Banner Ad

Kita sa video na may mga bata sa paligid nang mangyari ito. Hindi naka-duty si Zinampan nang mamaril siya.

Samantala, mabilis na naglakad palayo sa lugar ang suspek at iniwan lang na nakahandu­say ang biktima.

Agad naaresto ng mga tauhan ng Fairview Police si Zinampan at nakuha mula rito ang baril na ginamit sa krimen.

Nang kapanayamin ng media, todo-tanggi pa ang suspek sa ginawang krimen na naku­hanan sa video.

Ayon kay Beverly, dati nang may alitan ang suspek at ang kanyang kuya dahil nagkasuntu­kan umano ang mga ito noong Mayo 1 habang parehong lasing ang dalawa.

Nakapiit na ang pulis sa Camp Karingal at sasampahan ng kasong murder. (Dolly Cabreza/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.