Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola himalang nabuhay sa gumuhong bahay

0 94

Laking pasasalamat ng isang lola sa Bato, Catanduanes dahil binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.

Ito’y makaraang makaligtas mula sa gumuhong bahay si Concepcion Publico, kasunod ng malakas na hangin at bah ana dulot ng bagyong ‘Rolly’. Ayon sa ulat, nalibing sa mga debris ang lola. Maliban doon ay natabunan din ang bahay niya ng mga scaffolding at mga bato mula sa katabing gusali na under construction.

Masuwerte aniya si Publico dahil kasama niya ng mga oras na iyon ang panganay niyang anak na nagpalakas sa loob niya.

“Sabi ng anak ko lakasan ko na lang daw ang loob ko. Tapos mabuti nabuhay pa kami. Kasi kung talagang ano, ‘yang tubong ‘yan, puwede na ako diyang mamatay,” lahad niya sa panayam. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.