Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola, lolo natusta sa Baguio

0 163

Nasawi ang mag-asawang matanda matapos na masunog ang kanilang tirahan sa Baguio nitong Miyerkoles.

Nakilala ang mag-asawa na sina Juan Velasco at Julieta Velasco, kapwa 94 taong gulang.

Ayon sa mga awtoridad, tumagal nang halos tatlong oras ang apoy sa bahay ng mga biktima sa Brgy. P. Burgos.

Nagsimula ang sunog bandang alas-5:00 ng madaling-araw, habang naapula ito bandang alas-8:00 na ng umaga.

Dinala na ang mga labi ng mga biktima sa Baguio Memorial Chapel.

Samantala, inaalam pa ng mga bombero ang pinagmulan ng sunog. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.