Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola malakas magyosi, nalitson

0 320

Natagpuang sunog na sunog ang 88-anyos na babae nang lamunin ng apoy ang kanyang tirahan sa Barangay Baloling, Mapandan, Pangasinan.

Ayon sa ulat, nakita ng apo ng biktimang si Rosita Perez, biyuda, na nasusunog ang bahay ng kanyang lola dakong alas-singko ng hapon, Pebrero 3, kaya humingi siya ng tulong sa kanilang mga kamag-anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero huli na ang lahat dahil nadiskubre nilang nasunog na ang biktima sa bahay nito na gawa sa mga light material.

Paniwala ng mga pulis, posibleng upos ng sigarilyo ang sanhi ng sunog dahil madalas diumanong manigarilyo ang biktima at sa mismong kama niya ito pinapatay at maaaring hindi pa tuluyang napatay ang apoy sa sigarilyo, ayon na rin umano sa mga kamag-anak ni Perez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.