Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola na-love scam

0 233

Muling nagbabala ang mga awtoridad sa naghahanap ng karelasyon gamit ang social media, matapos maloko ang 67-anyos na babae na isang linggo nang hinihintay sa paliparan ang dayuhang boyfriend na humingi sa kanya ng pera para makapunta sa Pilipinas.

Napaulat kahapon ang nangyari sa ginang na mula pa sa Pangasinan, na hinihintay sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang kanya umanong nobyo. Sa Facebook umano niya nakilala ang dayuhan na sinabing isang retiradong US Army.

SM food to go Banner Ad

Aniya, humingi sa kanya ng $500 ang lalaki para makaalis sa kampo sa Afghanistan at makuha ang pension niya. Nagpunta umano ito sa Pilipinas pero hinarang sa Immigration at diumano’y pinagbabayad ng P70,000. Sumunod nito, tatlong babae ang komontak sa kanya at dito umano niya inabot ang P20,000 para sa paglaya ng sinasabing nobyo niya. Lahat ng pera ay ipinangutang lang ng ginang.

Ayon sa mga Airport Police nabiktima ang ginang ng love scam modus na target ang mga naghahanap ng karelasyon at sa huli’y huhuthutan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.