Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola nabundol ng rider, dedo

0 273

Patay ang hindi pa nakikilalang matandang babae matapos mabundol ng motorsiklo na minamaneho ng isang estudyante sa Calooocan City, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa 60-70 ang edad, may taas na 5’4” at katamtaman ang pangangatawan.

Kinasuhan naman ng reckless imprudence in resulting to homicide ang suspek na si Neil Patrick Marquez, 32, binata, nakatira sa Lot 18, Brgy. 16, Caloocan.

Ayon sa report, bandang alas-7:30 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo si Marquez na patungong east.

Pagsapit niya sa intersection ng C3 road at Cordero St., Caloocan ay hindi niya napansin ang tumawid na matanda kaya nabunggo niya ito.

Sa bilis ng takbo, tumilapon ang lola at ang rider, at tumama ang ulo ng nauna sa semento.

Naisugod pa sa Caloocan City Medical Center ang biktima pero idineklara na siyang dead on arrival. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.