Abante Tonite Interactive

Lola nakapkapan ng P.2M shabu

508

Arestado ang isang 63-anyos na lola matapos mahulihan ng nasa P200,000.00 na halaga ng hinihinalang shabu sa Infanta, Quezon kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang suspek na si Marilyn Bulos Galvan na gumagamit din ng alyas na Marilou Garcia Tan, residente ng Brgy. Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan.

Ayon sa report ng Infanta police, ang suspek ay naaresto sa buy-bust operation sa Brgy. Poblacion matapos na makabili ang isang pulis na nagkunwa­ring buyer ng isang sachet ng shabu.

Sa pagsisiyasat sa bag ng suspek, narekober pa dito ang may kabuuang 106.62 gramo ng shabu.

Nakakulong ngayon ito sa Infanta municipal police station locked up cell at sinampahan na rin ng kasong paglabag sa RA 9165. (Ronilo Dagos)