Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola nasagasaan ng motor

0 285

Nasawi ang 85-taong gulang na lola nang masagasaan ng isang motorsiklo sa Davao del Sur nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Erib­erta Famor.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, Mayo 28 ng hapon ay tumatawid ng kalsada ang lola sa lugar na sakop ng Barangay Poblacion, Matanao.

Tiyempo naman na dumadaan ang motorsiklo na minamaneho ng 29-taong gulang na lalaki na hindi pinangalanan sa report.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napag-alaman na walang li­sensya ang driver ng motorsiklo, at hindi rehistrado ang kanyang sinasakyan.

Sa tindi ng pagkakatama, nag­karoon ng sugat sa ulo si Famor. Nagawa siyang itakbo sa ospital, pero idineklarang dead on arrival.

Samantala, hawak na ng Matanao Police ang driver at na­katakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.