Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola natsugi matapos bakunahan

0 453

Isang 72-anyos na babae ang naiulat na namatay ilang araw matapos maturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Barangay Salimbalan, Baungon, Bukidnon.

Ayon sa ulat, Mayo 20, nang bakunahan ang lola at nakapasok pa sa kanyang trabaho bilang janitress kinabukasan.

Ngunit Sabado raw ng madaling-araw ay sinugod sa rural health unit ang babae dahil nahihirapan daw itong huminga.

SM food to go Banner Ad

At noong Linggo nga ay binawian na ito ng buhay.

Ayon sa SK chairman ng barangay na si Christian Peter Tajuran, walang iniindang sakit ang babae kaya’t pinayagan ito na bakunahan.

Iniimbestigahan na ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.