Abante Tonite Interactive

Lola natusta sa sunog

119

Mistulang natusta ang isang 78-anyos na lola nang hindi na
nakalabas pa sa kanyang barong-barong matapos lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Cavite City.

Kinalala ang biktima na si Apolonia Valenzuela, balo, ng 706 Romualdo St., Brgy. 24, Caridad, Cavite City.

Sa ulat ni FO1 Julie De Villa, ng Cavite City Bureau of Fire Protection (BFP), alas-2:30 kahapon ng madaling-araw nang nagsimula ang sunog sa barong-barong ni Lola Apolonia at dahil sa gawa lamang ito sa mga light material ay mabilis na nilamon ng apoy ang tirahan nito.

Alas-3:30 kahapon ng madaling-araw nang ideklarang fire-out ng mga kagawad ng BFP ang sunog kung saan habang isinasagawa ang clearing operation ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa flooring ng comfort room.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pinagmulan ng sunog bagama’t sinabi ni De Villa na walang kur­yente sa bahay ng matanda at tanging sulo lamang ang kanyang ginagamit na liwanag. (Gene Adsuara)